great is the lord who open our eyes to see and ears to hear!
this is the last days…..tinatawag niya ang mga taong nag mamahal sa kanya at naniniwala na sila ay tinawag hindi upang maging bahagi ng sanlibutang ito kundi upang ang pangalan ng Panginoon ay maitaas kapalit man ng kanilang pag tanggi sa kanilang mga sarili…
nais ko ng malaman ng maraming tao na ang pagkakilala sa panginoon ay pananampalataya sa kabutihan ng Dios na ginawa sa pamamamagitan ni Kristo.
sa kanyang pagkamatay at pag kabuhay sa kanyang muling pag babalik!
ang gospel ay hindi ipinangaral ni Pablo para sa kanyang sariling kapakanan, kundi ito ay naipangaral dahil sa kagandahang loob sa kanya ng Dios, sa pagpili at pag bibigay ng karapatan na ipangaral ang napakagandang mabuting balita ng Panginoon!
salamat sa Dios na nagbibigay ng ganitong pag kakataon upang tayo ay maging bahagi ng pangangaral….
ang salita ng Dios ay nagiging makabuluhan lamang kung ang mga salitang ating ipingangaral ay nangyayari sa ating mga buhay!
ang ating sarili ay kailangang itanggi natin araw-araw pagpapakita na tayo ay sumusunod sa Dios at hindi sa mga tuntunin lamang at batas..kundi sa ating pag sunod ay ipinapakitan natin na ayaw nating saktan ang kanyang puso!
hindi ito isang relihiyong ating dinadala tuwing araw ng sabado kundi ito ang katotohanang nagpalaya sa atin sa kuko ng kamatayan….ang gawa ni Satanas sa buhay ng mga tao….hindi ito isang minanang aral mula sa ating mga magulang, kundi ito ay personal nating pag tanggap sa Kanya bilang panginoon at ating tagapagligtas.
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.